Bukas, makalawa

Marahil darating ang araw
Na dadalawin tayo ng limot.
Pero ‘wag naman sana
Sa bukas makalawa.

Gusto pa kitang isama
Sa kalaliman ng karagatan
Sa kadiliman ng nakaraan
Pati na rin sa bukas na walang kasiguraduhan.

Hanggang sa lumabo ang mga mata
Tungkod ay kailanganin na
Kahit buhok pa’y maging abuhing kulay na
Tayo’y magsasama,‘di lang hanggang bukas makalawa.

Kasalo sa pagkain ng almusal
Kasayaw sa saliw ng panahon
Hanggang sa pumapayag ang Panginoon
Mabubuhay ako buhat ng iyong ligaya.

Standard

Leave a comment