Uhaw

Image

Photo and poetry collaboration 
(published in Dapitan: Narrations of the City 2014)
photos by Jansen Romero  |  words by Khaila Gurion

 

Image

“Nananaginip akong

Image

lumalangoy sa dagat.”

Image

Aagos muli ang tubig
muli sa alulod pabalik ng dagat,
katulad kung bakit bumabalik
ang araw sa langit
at ang mga bituin sa panaginip.

Image

sa tamang panahon,
sa takdang panahon.

Image

Mapapainom ka sa uhaw
sa alaalang minsan kang nagmahal,
isang mainit na tag-araw
ng isang tulad kong
darang ang mga labi,
sabik sa basang-basang halik.

Image

Ako ang araw mo, sinabi mo noon
Noong pinili pa kitang makasama.
Pero ako ay isang bahagi lamang ng gabi
Umaalis, bumabalik
Minsan nagtatagal
lagi lang uhaw.

Image

Babalik ang tubig mula
sa pinagbagsakang langit, papanik
Kasama ng iyong mga panalangin.
Mabubuo muli, ang dilim, bibigat
bibigay, iiyak.

Image

sa tamang panahon,

sa takdang panahon.

Image

“Sa aking panaginip

Image

 nalunod daw ako.”

 


 

Standard