Isa

Kanina pag gising ko
Naramdaman ko ang pag-iisa
Para akong ulap na naligaw sa kalangitan
Isang maliit na isla sa malawak na karagatan
Malayong bituin sa kalawakan
Naroon, malayo sa kabihasnan
Tanging dinig lamang ay ang pitik
Ng pusong luhaan.

Ang unang patak ng ulan
Sa lupang darang,
Parang nagbalik na nakaraang
Ayaw ko nang balikan
Naghalong tuwa at lungkot,
Galak at pagdurusa,
Mas masidhi pa sa ligaya ng ina
At lumbay ng makata.
Naramdaman ko ang pag-iisa.

Dito kung saan
Matindi mo akong tinamaan
Dito kung saan ko natagpuan
Ang iyong pagmamahal
Sa kabila ng duda
Alinlangan at kaba
Sa aking pag-iisa
Minsan kitang nakasama.

Standard